- Sa mga Tatay na nag-babalak mangaliwa o makipaghiwalay sa asawa, mag-isipisip kayo at ihanda ang sarili sa pag-susuot ng palda.
- Ang hirap sa buhay mag-isa ay ikaw lagi ang nakatoka sa mesa.
- Nagpagawa ka nga ng maganda at malaking bahay, upang maging alipin lamag ang sarili sa pangangalaga, pagbabantay, paglilinis at pagkukumpuni habang buhay.
- Noong nagpagawa ako ng bahy, hindi ko ginawan ng ikalawang palapag upang hindi ako mahirap sa akyat-baba sa pagtanda ko, pero ngayon matanda na ako mas gugustuhin ko pa lagi sa ikalawang palapag upang umiwas sa ingay at kalat sa unang palapag.
- Walang tunay na katahimikan ang tahanan kung ito ay nakabaon sa utang.