MODUS OPERANDI (Philippine Experience)
Kidnapping: Paano ginawa ng kriminal ang isang krimen ?
Ireport ninyo sa amin kung paano ginawa ang krimen (MODUS OPERANDI) at makakatulong kayo sa iba pa nating mga kababayan na makaiwas.
Robbery and Theft
Robbery is committed by any person, who with intent to gain, shall take any personal property belonging to another, by means of violence against or intimidation of any person, or using force upon anything shall be guilty of robbery (Art. 293, RPC) Theft is committed by any person who, with intent to gain but without violence or intimidation of persons nor force upon things, shall take personal property of another without the latter's consent (Art. 204, RPC). Through the years, the most common forms of robbery and theft have developed their own unique names that depict the means by which they are committed. Among them are the following:
Akyat Bahay
Ang AKYAT BAHAY ang pinaka-karaniwang pamamaraan ng nakawan sa Pilipinas. Kadalasang isinasagawa ng may tatlo hanggang lima kataong grupo. Ang mga nagiging biktima ay bahayang pansamantalang iniwan ng may-ari upang magbakasyon o kaya naman ay nasa trabaho. May mga pangyayari din na kahit nasa loob ang mga nakatira ay ninanakawan pa rin dahil sa kakulangan ng pisikal na depensa. Dis-oras ng gabi lalo na kung natataong malakas ang ulan o kaya naman ay " brown-out" . Mga alahas at kasangkapang pang-bahay ang karaniwang tinatangay ng mga magnanakaw. May ilang pangyayari na kung saan ang mga mag-nanakaw ay may dala-dalang sasakyan upang paglulanan ng mga ninakaw na kasangkapan.
Salisi
Ang karaniwang nasasalisihan ay mga tindahan, tahanan, maging mga opisina na kung saan ang bantay o nagmamayari ay pansamantalang nabaling sa ibang bagay. Sa pagkakataong ito mabilis na isinasakatuparan ang pagnanakaw at alinmang bagay na may halaga at mabilis na maitatago o madadala ay ninanakaw. "Nasalisihan", ika nga.
Bukas Kotse
Karamihang nagaganap sa mga paradahang walang nagbabantay. May mga insidente ring nangyayari kahit na sa mga "pay parking areas" . Sa mga sanay na sa ganitong krimen, ilang segundo lamang ang kinakailangan para mabuksan ang sasakyan. Lahat na mahahalagang bagay sa loob ay kinukuha. May mga pagkakataon rin na kung saan ang sasakyang pilit nabuksan ay pinapaandar papunta sa ibang lugar upang doon "kahoyan" ng gulong, stereo, mga ilaw, upuan, at iba pang mga bagay na maaring tangalin. Kung minsan, nauwi sa ""carnapping"" ang insidente.
Carnapping
Ang "carnapping" ay mabilisan ang pagsasagawa. Kadalasan, 20 -30 segundo lamang ang kinakailangan para ma-carnap. Maaring marahas ang insidente. May mga driver na sinasaktan o kaya naman ay napapatay habang inaagaw ang sasakyan. Karamihan ng carnappers ay armado ng baril o kaya ay patalim. Ang iba pang mga "modus operandi" ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Mga "minor" na "traffic accident", kunwa'y nabungo sa hulihan. Kapag lumabas ang driver upang tingnan, mabilis na tinututukan ng suspek ng baril o kaya ay patalim at sabay kinukuha ang sasakyan. Sa mga "stop lights". Ang suspek ay lalapit sa driver na nakatutok ang baril kasabay ang utos na lumabas. Sa mga parking spaces. Bigla na lang haharangan ang iyong sasakyan at isang suspek ang lalapit na may armas at palalabasi n ka sa sasakyan. O kaya naman, ang mga suspek ay nakatayo lamang sa paligid at inaantay ang iyong pagpasok o paglabas sa iyong sasakyan.
Dugo-dugo
Ito ang tawag sa mga insidente na kung saan ang suspek ay tatawag sa telepono o kaya naman ay personal na pupunta sa bahay at nagpapanggap na kamag-anak o kaibigan ng isang miyembro ng pamilya na ayon sa kanya ay nadisgrasya at kinakailangan ng pera o alahas para maipagamot.. Kadalasan katulong ang nakakatanggap ng tawag na sa takot o pagkalito ay agad ibinibigay ang hiling ng suspek.
Budol-budol
Isang halimbawa ng budol budol ay nangyayari sa mga transaksyon ng bayaran. May perang totoo subalit ang karamihan ay mga per-ang peke na. Isa pang halimbawa ay sa mga bentahan ng ginto. Ang ipapakitang sample ay tunay subalit ang iba o ang karamihan ay pawang mga peke na. Madalas ding mangyari sa transakyong pera.
Ipit-Taxi
Kadalasang mga nabibiktima ay mga kababaihan. Pagkasakay ng taxi sa hindi kalayuan, may mga suspek na bigla na lang sasakay at pagigitnaan ang biktima. Hold-up na at ang pera, alahas, at iba pang mahahalagang dala ay kinukuha ng mga suspek.
No comments:
Post a Comment